Tag-araw,
Tag-ulan
Hajji Alejandro
Tag-araw, sa may dagat namasyal
At pagdilim, sa may baybay humimlay
At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon
Saksi ay liwanag ng buwan
Di ba't sabi mo pa na wala ng iba
Na ako ang una sa pagmamahal mo sinta
At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag-ibig na dakila
Ngunit bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan
Sinlamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy, titig mo sa akin
Naglaho ba ang pagmamahal mo sinta?
